top of page
Buwan ng Wika Banner.png

Photos by Marjorie Yazar & Ken Caringal

PhilSCA Buwan ng Wika 2019: Alalahanin, Sambitin at Libutin

Richmond Espino, Alexander Nalog, 

 Fitzgeraldeene Fiesta, & Hannah Estrada

September 4, 2019

Napuno ng kulay at samo’t saring palamuti ang covered court ng PhilSCA bilang paggunita sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Itinampok ng bawat kubol ang rehiyon na nakatalaga sa kanila. Layunin nitong ipakilala sa bawat PhilSCAns ang yamang tinataglay ng bansang Pilipinas.

 

“Wikang Katutubo: Tungo sa isang bansang Pilipino” ang naging tema ngayong taon kung saan binibigyang pagtatangi ang kahalagahan ng mga katutubong wika na mayroon ang ating bansa. Nagbigay ng pampasiglang mensahe ang pangulo ng kolehiyo na si Dr. Marwin M. Dela Cruz. Binigyang diin niya ang tatlong punto sa kanyang mensahe. Una na rito ay ang halaga ng wika sa kultura, ayon sa kanya, “wika ang nagpapalawig at sumisimbolo sa ating kultura.”Pangalawa ay patungkol sa desisyon ng korte suprema na alisin ang asignaturang Filipino sa mga kolehiyo at sa kabila ng hatol na ito ay pinagpatuloy pa rin ng institusyon na ito’y itaguyod. Bilang pagbubuod, tinapos niya ang kanyang talumpati sa pagbibigay ng paalala na ang bawat isang rehiyon ay may nabubuong isang ugnayan bilang isang bayan at bilang isang bansa. Ika niya, “Dapat nating suriin, tignan ang ating wika, hindi lang sa pagbuo kundi bilang tagapag-ugnay ng bawat isa sa atin”.

Mga nagwagi sa Pagsulat ng Sanaysay, kilalanin Halos mapuno ang silid aklatan ng PhilSCA sa opisyal na paunang paligsahan ng Buwan ng Wika ngayong taon na ginanap noong Agosto 20, 2019. Anim napu’t walong (68) mga estudyante ang nakilahok upang maipakita ang talento sa Pagsulat ng Sanaysay. Nangibabaw rito ang mga katha nina, Ronald Acejo-BSATTM/2ND year na nakakuha ng unang pwesto, Emmanuel Llanes Jr.-BSAeE/1st year para sa ikalawang pwesto at Phoebe Cristia Ferrer-BSAeE/1st year para sa ikatlong pwesto.

 

Acejo, panalo sa dagliang talumpati Samu’t saring pananaw naman ang inihandog ng walong representante ng iba’t ibang departamento para sa dagliang talumpati na ginanap sa Speech Lab noong Agosto 20, sa dakong alas dos ng hapon. Binigyan ang mga kalahok ng 10 minutong preparasyon para buuin ang kanilang konsepto na kanilang ihahayag sa loob ng 5 minuto dahil iisang tema lang ang kanilang bibigyang paliwanag at punto. Kinilala sina Ronald Acejo-BSATTM/2ND year, Lyrine Urian Bonifacio-BSAMT/4th year at Roldan Cruz-BSAeE/1st year na nagkamit ng una, ikalawa at ikatlong karangalan sa nasabing kompetisyon.

 

Tagis Talino, dinagsa Namayagpag naman sa larangan ng pautakan ang mga mag-aaral mula sa institusyon ng inhinyero at teknolohiya sa Tagis Talino- isa sa mga patimpalak na nilahukan ng higit sa 150 kalahok mula sa iba’t ibang institusyon. Hindi magkamayaw ang tensyon sa nasabing larangan dahil labis na nag-uumapaw ang kagustuhan ng bawat grupo na mapatunayan ang kanilang angking talino. Sa huli nangibabaw ang mga mag-aaral mula sa aeronautical engineering na kinabibilangan nina:

 

Unang Karangalan :

Jewel Christian Puse; Jasmin Joy Acayan; Chan Mark Ayapana

BSAeE/2ND year

 

Ikalawang Karangalan:

Jose Mari Dela Cruz; Imee Nicole Perez; Jessie Love Prado

BSAeE/2ND year

 

Ikatlong Karangalan:

Benjamin Bojador; Monjerwin Gumangan; Maicko Cabana

BSAMT/4TH year

 

Tatlong kalahok para sa tatlong karangalan Naging mainit ang tensyon sa pagitan ng tatlong mananalaysay sa kompetisyon para sa Pagkukwento na ginanap sa Conference room noong ika-22 ng Agosto ng kasalukuytang taon. Bakas sa mukha ng mga kalahok ang kagustuhang mabigyan ng magandang laban ang bawat isa upang ganap na mapili ang karapat dapat na hiranging kampeon sa larangan ng pagkwekwento. Sa huli, nanaig ang kwento ni Jhon Paul Figuracion AB/4th year na tumatalakay sa droga na ginawaran ng unang karangalan, sumunod sa kanya sina Brent Marc Leybag-BSAeE/1st year at Rhenz Aaron Ramos AAMT/1ST year para sa ikalawa at ikatlong karangalan.

 

Mga mag-aaral mula sa kursong BSAeE, bumida Naglaban laban ang labing siyam na kupunan sa Radio Drama na binubuo ng limang miyembro bawat pangkat. Boses at kwento ang naging materyal ng bawat grupo upang makamit ang unang pwesto sa kompetisyon na kanilang nilahukan. Umabot sa tatlong oras ang haba ng nasabing paligsahan na nagsilbing patunay kung gaano kapursigido ang bawat kalahok na maiparinig ang kanilang talento sa naturang patimpalak. Bumida ang mga mag-aaral mula sa kursong BSAeE sapagkat nakuha nila ang tatlong gantimpala mula sa nasabing kompetisyon.

 

Unang Karangalan:

John Patrick Doria; Gearaldine Ong; Ysabel Anne Cortes; Nova Louve Obrador Jan Mary Francine Ramos

BSAeE/1st year

 

Ikalawang Karangalan:

Jan Marie Arce; Aldana Garcia; Mark Cerezo; Paul Adrian Sugatan; Vince Juaniza

BSAeE/1st year

 

Ikatlong Karangalan:

Uldrel Chester Bautista; Jove Cantada; Erwin Miguel Vallada; Israel Tumang; John Michel Delos Reyes

BSAeE/1st year

 

Emosyon sa likod ng tula, ibinahagi Nagpamalas ng matinding emosyon ang labing anim na kalahok para sa Spoken Word Poetry kung saan ibinahagi nila ang kani kanilang obra maestra sa syang tumusok sa damdamin ng manonood at hurado. Malawak ang naging sakop ng bawat akda, ngunit sa huli nangibabaw ang katha nina Jericho Tubalado AAMT/1st year na nagkamit ng unang karangalan, na sinundan nina Darwen Cabarrubias-BSAeE/1ST year at Christian Noe Maramot-BSAeE/1st year para sa ikalawa at ikatlong pwesto. Kakatawan si Tubalado para sa darating na PASUC.

 

Gina Lopez, tampok sa patimpalak na Charcoal Rendering Bilang pag-alala sa yumaong kalihim ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na yaman (DENR) na si Bb. Regina Paz La’O Lopez o mas kilala bilang si Gina Lopez, siya ang napiling iguhit ng labing apat (14) na dibuhante para sa patimpalak na Charcoal Rendering na ginanap noong ika-28 ng Agosto sa Conference Room ng PhilSCA. Binigyang pagkilala sina Andrew Agripa AvComm/1st year, Julliene Cabacungan-BSAeE/1st year at Carlo Regala BSAET/4th year na nagtamo ng una, ikalawa at ikatlong karangalan dahil sa angking husay na kanilang ipinamalas.

 

Tema ng pagkakaisa, inilarawan sa paligsahan ng pagpipinta “Magkakaiba ngunit mananatiling iisa” ang naging tema ng larawan na ipininta ng mga kalahok para sa Agarang Pagpipinta na ginanap noong ika-28 ng Agosto sa Upper gym ng PhilSCA. Dinaluhan ito ng 24 na mag-aaral na kung saan binigyan sila lahat ng materyales na kanilang gagamitin para sa naturang kompetisyon. Tatlong oras ang ibinigay na oras upang tapusin ang kanilang pinta. Sa huli, nangibabaw ang obra ni Michael Angelo Castro-BSAeE/1st year na nagkamit ng unang karangalan. Sinundan siya nina James Edward Flores-BSAIS/2nd year at Kynn Tan Vargas-BSAeE 1st year para sa ikalawa at ikatlong pwesto.

 

Pagrampa Lakan at Lakambini, sinubaybayan Nag-gagandahang kasuotan ang naglarawan sa bawat rehiyon na ipinakita sa patimpalak na Lakan at Lakambini na idinaos noong Agosto 30. Iba’t-bang klaseng borloloy at paandar ang inirampa ng mga kalahok na siya namang ikinahiyaw ng mga estudyante. Nagwagi bilang kampyon ang Rehiyon 4B dahil sa magandang disenyo ng kasuotan na nagpabilib sa mga hurado, sumunod ang Rehiyon 5 na nagwagi ng ikalawang karangalan at nag-uwi ng ikatlong karangalan ang Rehiyon 10.

 

Saliw ng Katutubong sayaw at awitin, ginunita Nag-uumapaw na enerhiya ang ipinamalas ng mga kalahok mula sa iba’t ibang departmento sa isinagawang patimpalak ng mga katutubong sayaw at awitin na ginanap, umaga ng Agosto 30. Ibinigay ng mga kalahok ang lahat ng kanilang makakaya upang ipagmalaki ang kani-kanilang mga rehiyong inirerepresenta. Ang bawat indak at paggalaw ng mga kasali ay nagbigay buhay sa angking talento ng bawat rehiyon. Kalakip ng pagsasayaw ay ang mga makukulay na kasuotan at kagamitan na angkop sa sari-sariling kultura. Sa huli, itinanghal na kampyon ang kuponang kumakatawan sa Ikalawang Rehiyon na sinundan ng kuponan sa NCR habang ang rehiyon ng CAR naman ang nakakuha ng pangatlong gantimpala.

bottom of page