Bata, Bata San Ka Nakatira? Pilipinas?
Bata, bata san ka nakatira?
Pilipinas? Pilipinas ay mayaman sa pamana.
Mga pista, patimpalak't katutubong sayaw.
Ngunit. Nakikita mo ba?
Lahat ng mga tao sa paligid mo tila’y kinalimutan ka na?
Kinalimutan kung gaano ka kahalaga.
Na parang nakapiring ang kanilang mga mata
Hindi makita kung bakit ipinaglalaban ng iba.
Teka, bakit nga ba?
Bakit nga ba wika ng dayuhan ang tinatangkilik?
Bakit nga ba kultura nila ang ating ipinipilit?
Bakit nga ba iilan na lamang ang lumalaban para sa wikang Flipino?
Bakit nga ba iilan na lamang ang lumalaban para sa kulturang Flipino?
Bakit nga ba iilan na lamang ang lumalaban para sayo?
Bakit nga ba?
Bakit nga ba ganito?
Kaya ikaw, wag kang magkulong
Huwag mong hayaang ikulong ka
Ng mga taong nakapiring ang mga mata
At hindi makita ang iyong halaga
Dahil dadating ang araw
Oo, dadating ang araw na hinihintay mo
Ang araw na hinihintay nating lahat
Ang makita ang halaga mo
Ang makita ang halaga ng wikang magpalaya
Oo darating ito
At sa araw nang pagkawala ng piring sa kanilang mata
Iyong araw na ika’y makakalaya na
Makikita nila
Nakikita mo ba?
Nakikita mo ba?